Friday, October 04, 2013

Sagot sa ibinangong isyu ng isang INC

Kamakailan ay nabasa natin ang isang blog tungkol sa sa mga Saksi ni Jehova na gawa ng isang INC.

Para sa kapakinabangan ng ating mga mambabasa isa-isahin natin ang mga ito sa abot ng ating makakaya.

Ating suriin ang katotohanan sa samahang “ Saksi ni Jehova” na malamang ay ayaw ipabatid sa atin o sa kanilang mga kaanib. Mga katotohanang ayaw nilang malaman natin at ng kanilang mga kaanib.

Unang-una alam ng marami na kilala ang mga Saksi sa pangangaral sa bahay-bahay at ipinakikita nito na hayagan naming sinasabi sa mga tao ang aming paniniwala, saloobin sa mga pangyayari sa kapaligiran at siyempre pa sumasagot sa mga katanungan, hangga't kaya namin. Kunsabagay, ang sabi niya ay "malamang" lang naman na ayaw daw namin ipabatid sa mga tao. Mali po iyon. Gayundin bakit kailangan naming itago lalo na sa mga "kaanib" o miyembro namin? KUng tutuusin ang mga quotation niya sa kaniyang blog ay galing mismo sa aming mga publikasyon.

Inuunahan ko na kayo. Ang mga isyung kinuha niya rito ay kinopya lamang niya sa mga blog din na nailathala na sa internet at "Tinagalog" lamang niya.

May mga aral sila na pag nalabag ng kanilang kaanib ay humahantong sa pagkakatiwalag nito.

Natural. Ganun din ang INC di ba, may pagtitiwalag din? Sa mga Katoliko naman ay excommunication. Pero sa mga Saksi ay itinitiwalag lamang kapag hindi nagsisisi.

At sila ay may tuntunin din na “iwasan” ang  mga tiwalag na ito(The Watchtower, September 15, 1981, pp. 25, 29-30) kahit pa malapit mong kamag-anak kahit nanay mo man ito.

May mga miyembro ng kongregasyon na nakagawa ng malulubhang pagkakasala at sinaway “nang may kahigpitan, upang maging malusog sila sa pananampalataya.” (Tito 1:13) Dahil sa kanilang paggawi, ang ilan ay kinailangang itiwalag. Pero ang mga nasanay ng disiplina ay natulungang makapanauli sa espirituwal. (Heb. 12:11) Paano kung mayroon tayong kamag-anak o malapĂ­t na kaibigan na natiwalag? Masusubok dito kung kanino tayo matapat—sa taong iyon o sa Diyos. Kay Jehova tayo dapat maging matapat. Pinagmamasdan niya tayo kung susundin natin ang kaniyang utos na huwag makipag-ugnayan sa sinumang tiwalag.—Basahin ang 1 Corinto 5:11-13. (Bigyan kita ng mas bagong reperensiya: Bantayan April 15, 2012 pahina 12 parapo 16)

Ibig sabihin ay bakit pa siya itiniwalag kung ganun pa rin ang pakikitungo sa kaniya ng mga kapananampalataya at kamag-anak? Sabi nga nila: "Itiniwalag nyo pa!" 

Wala na bang puwedeng makipag-usap sa mga tiwalag? Meron naman. Ang mga tagapangasiwa o elder sa kongregasyon dahil sila ang may higit na kabatiran sa kaso ng itiniwalag.

Karagdagan sa pagdalo nila ng limang beses bawat lingo(week) ang mga JW ay nirerequire pa na mag spend pa  ng mga ilang oras sa bawat buwan(month) sa pamamahagi ng “Watchtower articles”,  pagsasagawa ng “Bible studies”,  at pangangalap ng iba’t-ibang usapin sa mga babasahing nilimbag ng Watchtower para matalakay sa kanilang mga pagtitipon.


Ang paggugol namin ng oras sa pangangaral ay bilang pagsunod sa tagubilin ni Panginoong Jesus sa Mateo 24:14 at 28:19, 20. Sang-ayon ka ba sa mga tekstong ito na dapat gawin ng tagasunod ng Panginoon?

Tama ka na namamahagi kami ng mga kopya ng Bantayan, Gumising, brosyur, tract, Bibliya, at marami pang iba sa napakaraming wika.

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo na pangangalap ng iba't-ibang usapin... Kinopya mo lang kasi kaya hindi mo rin alam kung ano ang ibig sabihin ng kinopya mo.

Ang mga kaanib ay pinagbabawalan na magsundalo, sumaludo sa watawat, bawal bomoto sa mga halalang pambayan,magpasalin ng dugo, magdiwang ng kaarawan, pati mga holiday katulad ng Mahal na Araw, at Pasko dahil ito daw ay galling sa pagano,bawal din silang magbasa ng mga babasahin na galling sa iba lalo na at laban at tumutuligsa sa kanila (Watchtower).

Pakisuyong i-click na lamang ang aming mga paninindigan may kinalaman sa pagsusundalo, pagsaludo sa watawat, pagboto, hindi pagkain at pagpapasalin ng dugo, kaarawan at pasko, at iba pa. Paki-search na lang sa online.

Ang katumbas sa amin ng "Mahal na Araw" sa ibang relihiyon ay tinatawag na "Memoryal." Ito ay ang taunang selebrasyon namin ng memoryal ng kamatayan ni Panginoong Jesu-Kristo, ang iba pang tawag dito ay Lord's Evening Meal.

Oo nga pala, kung sino ka man pakisuyong makipag-ugnayan sa akin. Diskusyon na lang tayo sa Bibliya. Medyo may kahabaan ang kinopya mo kaya sasagutin ko na lang sa usapan natin. Mag-katuwiranan na lamang tayo sa Kasulatan. Mag-iwan ka ng email address mo, sasagutin kaagad kita, usap tayo sa email.

Pag-usapan natin ang mga isyu sa Bibliya mula umpisa hanggang sa napakarami pang isyu sa Bibliya. I-rekord natin at i-post sa YouTube section ng blog natin, walang cut o edit para mapanood ng mga tagasubaybay natin sa kani-kaniyang blog.

Unang isyu ko na ibabangon ay kung si Panginoong Jesus ba ay tao pa rin hanggang ngayon kahit nasa langit na siya, siyempre kasama na rito ang pagiging "isang diyos" ng Panginoon.





10 comments:

Anonymous said...

Nanghahamon po ba kayo?

Unknown said...

To: anonymous

Umpisahan mo na magtalakayan para makita natin kung paano mo unawain ang kasulatan na nasusulat sa biblia.

Friendly discussion pang po.

Anonymous said...

Ang mga saksi ni Jehovah ang tunay na nghahayag ng to totoo.sila din ang ngsasabuhay ng salita ng Dios. Sila ang sumusunod sa apak ni Kristo.

Unknown said...

Wala po akong tutol dahil Saksi ni jehova po ako.

Nag hihintay ako kung may ibang religion na makipag bible discussion dito. Dahil sa blog ng inc wala na silang kibo don natahimik na.

Unknown said...

natutuwa ako sa blog na ito na nasasago ang mga tanong ng mga tao at matuto sila sa mga aral ng mga saksi ni Jehovah pero kapatid worry ako kasi una may site tayo na nagbibigay aral sa atin at sa mga tulad tupang nais matuto,isa pa hindi kaya ang pagsagot sa mga tanong ng Inc di kaya magbunga ng hindi mabuti maaring iba ang mensaheng itatawid sa kanila ,tulad ng baka ang mga saksi ay tulad nilang mahilig sa pakikipagtalo ..isa sa itinuturo sa atin na makipagpayapaan sa mga tao baka magkaroon sila ng kaisipan na mahilig tayo sa debate o anuman .tama ka dun sa sinabi mo na pede naman tayong makapagpahayag ng ating Paniniwala sa bahay bahay ,di ba angkop kung sino mang may tanong ay pede naman nating kausapin sila sa pangangaral natin??ayon sa diwa ng roma 10:1-10. pero kinukumendsyon kita at hanga ako sa blogs mo at talagang nagbibigay aral sa mga nais matuto. ako si raymund isang kapatid galing sa cavite

Anonymous said...

.. ang tanong natin sa mga saksi ni Jehovah PAKIBASA NGA ANG INYONG MAGAZINE NA BANTAYAN AGOSTO 1, 1980 pp 4-7,10.. jehovah katapusan nyo n..

Kevin said...

May nakita akong isang blog.. renefajardo.blogspot.com . .may mga materials dun bout sa mga Jehovahs Witness!.. maganda mabasa ng mga Saksi tsaka mga nagbibible study sa kanila..

Greatday!..

Anonymous said...

Tama na po ang pagtatalo sa kung sino ang tama at kung cno ang may Mali.lahat po ng tao ay may sariling pag iisip,,hindi lahat ng tao ay pwedeng maniwala sa kung ano ang ikinakalat na balita kung ito man at totoo o hindi,,,Hindi bat marami taung nalalaman ukol sa salita ng aging diyos na lumalang sa atin,,hindi bat marapat lamang na tau at maging mabuting huwaran sa kanila,,maging titik na pwedeng mabasa ng lahat,mating salamin sa knila,at maging isang mabangong bulaklak,na naamoy nila,ng sa ganon masasabi nila sa atin na tau nga ay tunay na nag aaral,at tunay na sumusunod sa ating diyos na may lalang sa atin,!!Peace na po kau!!

Anonymous said...

Maraming salamat po sa blog na ito. Sana'y regular kayong makapaglathala ng mga pansagot sa mga paninira ng mga kritiko sa kanilang mga blog, lalong-lalo na po yaong mga relihiyong nakabase rito sa Pilipinas.

Unknown said...

Nais ko lamang ipaalam sa inyo na ako ay isang dating wordly, pero nakita ko ang tunay na samahan sa mga Saksi ni Jehova ang pag ibig sa kapwa, at noong 2019 isa na akong ganap na Saksi ni Jehova