Tuesday, January 25, 2011

Pagtutuwid sa isang blog tungkol sa mga Saksi ni Jehova

Isang araw sinubukan kong i-google kung nasa web na ang blog ko. Nakatutuwang malaman na pinakauna ito sa mga list na lumabas. Ngunit nakatawag pansin sa akin ang kasunod na blog ni Anna Cosio may kinalaman sa kung sino daw ang founder ng ibat-ibang relihiyon.


Jehova's Witnesses. Founded in 1874 by Charles Taze Russell, who was born in Pittsburg, Pensylvania, USA. The church had changed its name several times until it settled with the name, "Jehova's Witnesses" ("Mga Saksi ni Jehova") in 1931. Just like Manalo of the Philippines, Russel introduced himself as an angel sent by God. This angel died in a train accident in 1916.


Nakakalungkot dahil mali ang impormasyon niya tungkol sa mga Saksi. Sa dahilang ito kung kaya nais nating ituwid ang maling impormasyon na ito.

Unang-una mali ang spelling. "Wrong spelling is wrong" ika nga. Kulang ng letrang "h" ang Jehova dahil Ingles ang ginamit niyang language.

Ikalawa hindi kinikilala ng mga Saksi si Charles Russel na founder.

Ikatlo hindi "several times" kundi makalawang ulit lamang pinalitan ng mga Saksi ang opisyal na pangalan, mula "Bible Students" (o mga Estudyante sa Bibliya) tungo sa "Jehovah's Witnesses" o mga Saksi ni Jehova.

Ikaapat hindi itinuring ni Russel ang kaniyang sarili na anghel tulad ni Felix Manalo ng INC.

At panghuli, hindi namatay sa train accident si Russel kundi nalagutan lang ng hininga habang sakay ng tren dahil sa katandaan na rin.

Bilang karagdagan nais kong ipaalam sa mga mambabasa ng blog na ito na hindi nakatuon ang pansin ng mga Saksi sa sinumang mga personalidad tulad nina Russel atbp na mga "prominente" ika nga sa aming organisasyon.

Ang totoo halos hindi nga kilala ng ilan ang mga "prominenteng" personalidad na ito dahil hindi iyan kasama sa mga pangunahing itinuturo ng mga Saksi sa mga inaaralan nila ng Bibliya.

Ang simpleng payo natin sa mga kaibigan nating ito na naglalathala ng kanilang mga blog ay na magtanong muna sa mga may "otoridad" sa isang bagay bago maglathala dahil walang ibang makakapagbigay ng tamang impormasyon kundi ang mga miyembro lamang nito.

1 comment:

Unknown said...

Paano po maging founder si brother Russell sa mga Jehovah's witnesses eh noong 1931 matagal na po siyang patay.

Kahit sa anong mga publication namin Hindi ninyo mababasa na si bro Russell ang founder sa mga jehovah`s witnesses dahil Hindi nya inangkin ang isang bagay na Hindi sa kanya. Ang founder po ng jehovah`s witnesses ay si jesu Kristo.

Tutolan nyo para magkalinawagan!