Kapag itatanong mo kung sino si Panginoong Jesu-Kristo marahil iba't-iba ang magiging sagot ng isa depende sa relihiyong kinabibilangan niya. Mayroong nagsasabi na siya ang tunay na Diyos, ang iba naman ay magsasabi na isa siyang propeta. Ang ilan ay sasabihing siya ay [bagama't hindi Diyos ngunit pambihira namang] tao at ang pagkakilala naman ng iba ay kathang isip o gawa-gawa lamang at maaaring hindi pa nga siya umiral kailanman.
Kaya maaaring malilito ka kung alin bang turo ang totoo. Ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? ay tutulong sa iyo na malaman ang sagot sa tanong na ito. Oo, ang Banal na Kasulatan lamang ang makakapagbigay ng tamang sagot at gayundin sa iba pang mga tanong tulad ng:
1. Ano ang Layunin ng Diyos para sa Lupa?
2. Nasaan ang mga Patay?
3. Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
At para sa karagdagang impormasyon o nais ninyo na dalawin kayo at tulungan upang higit na maunawaan ang mahahalagang isyu sa Bibliya na nakakaapekto sa iyong buhay, makipag-ugnayan lamang sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar.
No comments:
Post a Comment