Tuesday, October 03, 2006

New World Translation of the Holy Scriptures



Kamakailan ay may nakausap ako na kinukuwestiyon ang kakayahan ng Mga Saksi sa pagsasalin ng Bibliya. Ayon sa kanila ang gumawa daw ng saling ito ay hindi marunong mag-Greek o Hebreo kaya walang kakayahan. Ang ilan pa nga daw ay hindi mismo mga ikolar.


Ang totoo ang akusasyong ito ay mababaw kung kakayahan lamang ang pag-uusapan. Siyempre pa ang Mga Saksi ay kilala sa paggawa ng mga literatura sa Bibliya tulad ng mga magasin, brosyur, pampleto, at aklat. At marami ang humahanga sa napakagandang pagsasalin o pagkakasulat sa mga ito. Natural lamang na maging maingat kami lalo na sa pagsasalin ng Banal na Kasulatan. Sa katunayan maraming mga iskolar sa Bibliya (di-Saksi) ang humanga sa saling ito. Kung sa bagay hindi naman kami gumawa nito para lamang magpahanga. Isa pa maselan ang bagay na ito kaya sino man ang nagnanais gumawa ng pagsasalin ay dapat na may conviction na palugdan ang Awtor ng Bibliya. Sa itaas ay makikita ang isang diagram, para pantulong sa mga nagsusuri, upang malaman at mapatunayan kung saan at ano ang pinagbasehan ng salin na ito. Kung nais pa ninyo ng detalyadong paliwanag sa bagay na ito pakisuyong mag-email sa may-ari ng blog na ito.


Samantala nais kong sipiin ang paunang salita ng saling ito ayon sa mga tagapaglathala, gaya ng sumusunod:

Isang napakalaking pananagutan na isalin sa modernong wika ang Banal na Kasulatan mula sa orihinal na mga wika nito sa Hebreo, Aramaiko at Griego. Ang pagsasalin ng Banal na Kasulatan ay nangangahulugan ng paghaharap sa ibang wika ng mga kaisipan at pananalita ng Diyos na Jehova, ang makalangit na May-akda ng sagradong aklatang ito ng animnapu't anim na aklat na may-pagkasing isinulat ng sinaunang mga banal na lalaki para sa ating kapakinabangan sa ngayon.

Ito ay napakaselang bagay. Ang mga tagapagsalin ng gawang ito, na may takot at pag-ibig sa Banal na May-akda ng Banal na Kasulatan, ay nakadarama ng pantanging pananagutan sa Kaniya na itawid ang kaniyang mga kaisipan at kapahayagan sa pinakatumpak na paraan hanggat't maaari. Nakadarama rin sila ng pananagutan sa mga nagsusuring mambabasa na umasa sa isang salin ng kinasihang Salita ng Kataas-taasang Diyos ukol sa kanilang walang-hanggang kaligtasan.

Taglay ang gayong taimtim na pananagutan kung kaya sa loob ng maraming taon ay inilathala ng komiteng ito na binubuo ng mga nakatalagang lalaki ang New World Translation of the Holy Scriptures. Ang buong salin ay unang inilabas sa anim na tomo, mula 1950 hanggang 1960. Sa pasimula pa lamang ay hangad na ng mga tagapagsalin na pagsamahin sa iisang aklat ang lahat ng mga tomong ito, yamang ang Banal na Kasulatan sa katunayan ay iisang aklat ng Iisang May-akda. Bagaman ang naunang mga tomo ay may mga panggilid na reperensiya at mga talababa, ang nirebisang edisyon na iisang tomo, na inilabas noong 1961, ay walang mga talababa ni mga panggilid na reprerensiya. Ang ikalawang rebisyon ay inilabas noong 1970 at ang ikatlong rebisyon na may mga talababa ay sumunod noong 1971. Noong 1969 ay inilabas ng komite ang The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures, kung saan sa ilalim ng tekstong Griego na inilathala noong 1881 nina Wescott at Hort ay iniharap ang salita-por-salitang salin sa Ingles.

Ang bagong edisyong ito ay hindi lamang isang pagdalisay ng tekstong naisalin na lakip ang naunang mga rebisyon nito, kundi pinalawak din ito upang ilakip ang isang kumpletong napapanahon at nirebisang panggilid (kaugnay) na mga reperensiya na unang lumabas sa Ingles, mula 1950 hanggang 1960.

Ang rebisyong ito ng 1984 ay ibinigay namin sa Watch Tower Bible and tract Society of Pynnsylvania upang mailimbag, maisalin sa iba pang pangunahing wika at maipamahagi. Kaya inihahandog namin ito taglay ang matinding pasasalamat sa Banal na May-akda ng Banal na Kasulatan, na siyang nagkaloob sa amin ng pribilehiyo at na sa kaniyang espiritu ay nagtiwala kami upang mailabas ang rebisyong ito. Dalangin namin na pagpalain niya ang mga gumagamit ng saling ito ukol sa espirituwal na pagsulong.


New World bible Translation Committee
Hunyo 1, 1984, New York, N.Y.




No comments: