Kaming Mga Saksi ni Jehova ay matagal nang umiiral dito sa Pilipinas kaya hindi na lingid sa mga Pilipino ang tungkol sa aming mga paniniwala maliban na lamang sa mga hindi pa namin nakakausap. Sila yaong mga nakatira sa mga subdibisyon at kondominyum na hindi nagpapapasok sa amin upang ipaabot ang Mabuting Balita na nasa Bibliya. Iyon ay aming iginagalang kaya gumagawa kami ng mga pagsisikap upang mapaabutan sila ng espirituwal na mensahe at para sa akin itong ginagawa ko ay isa ng paraan bagamat hindi ko isinaisantabi ang napakaepiktibong paraan, ang pagbabahay-bahay. Hindi ko layunin ang maki-pagdebate sa internet, iyon ay labag sa simulain ng Bibliya. Tulad ng sinaunang mga Kristiyano maaari akong makipagkatuwiranan at ipagtanggol ang aking paniniwala sa isang maayos at kapaki-pakinabang na paraan. May karapatan akong sagutin o hindi ang sinumang nagtatanong na sa aking palagay ay hindi karapat-dapat bigyang pansin. Pinasisigla ko ang mga tanong na kapaki-pakinabang at nakapagtuturo.
Ang Mga Saksi ay mayroon nang salin ng Bibliya sa tatlong pangunahing wika: Tagalog (Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan), Cebuano (Bag-ong Kalibutang Hubad sa Balaang Kasulatan) at Iloko (Baro a Lubong a Patarus ti Nasantuan a Kasuratan), isinalin mula sa Ingles (New World Translation of the Holy Scriptures) na kami mismo ang nag-imprenta. At ang aming magasin na Ang Bantayan ay isinalin mula sa Ingles sa pitong pangunahing wika: Tagalog, Cebuano, Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte (Waray), Bikol at Hiligaynon (Ilonggo).
Baka itanong ninyo: "Bakit kailangan pa ninyong magsalin ng sarili ninyong Bibliya, marami naman ang naririyan na at tinatanggap naman ng maraming relihiyon?"
Totoo iyon. Sa katunayan matagal naming ginamit ang King James Version dito sa Pilipinas at binigyan pa kami ng pahintulot ng Philippine Bible Society na ito ay ilathala noong 1986 gamit ang aming imprenta sa Japan. Noong 1993 isinalin namin ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan gamit pa rin ang Hebreong Kasulatan ng King James. Ngunit noong taong 2000 isang malaking kagalakan para sa amin na ang buong Bibliya ay isinalin na sa isang moderno at madali-unawaing salita sa Tagalog, Cebuano at Iloko. Ito ay ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan na may kabuuang 108,602,000 kopya sa unang labas nito at patuloy pang inilalathala. Kung nais mong makakita ng kopya nito pakisuyong mag-email sa akin.
Ang King James Version ay kakikitaan ng maraming lipas-na-sa-panahong mga salita. Halimbawa ang salitang nangagkaisa ay hindi na ginagamit, sa halip ang salitang nagkakaisa ang ginagamit na ngayon. At marami pang ibang salita, at mga pangungusap pa nga. Nariyan din ang mga tekstong nagkakasalungatan. Ang Genesis 6:6 ng KJV ay kababasahan ng ganito: "At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso." Ito ay salungat sa isang teksto ng KJV rin mismo sa 1 Samuel 15:29 "At ang Lakas ng Israel naman ay hindi magbubulaan o magsisisi man; sapagka't siya'y hindi isang tao na magsisisi."
Sa salin naming NW (New World Translation) sa Tagalog ito ang pagkasalin sa Genesis 6:6 "At ikinalungkot ni Jehova na ginawa niya ang mga tao sa lupa, at siya ay nasaktan sa kaniyang puso," at "At, isa pa, ang Kamahalan ng Israel ay hindi magbubulaan, at hindi Siya magsisisi, sapagkat Siya ay hindi makalupang tao upang magsisi" naman sa 1 samuel 15:29.
Napakarami pang mga salita, talata at ilang teknikal na mga bagay sa KJV ang hindi namin ginamit. Una ang aming salin ay hindi mula sa ibat-ibang bersiyon ng Bibliya tulad ng KJV, NIV, ASV atbp. kundi mula sa sinaunang mga kopya ng manuskrito tulad ng Codex Vaticanus, Codex Sinaiticus, Codex Alexandrinus, Codex Bezae, Codex Ephraemi, Latin Vulgate, Curetonian Syriac, Syriac Peshita, Sinaitic Syriac codex at Armenian Version atbp. Pangalawa, ito'y literal na salin mula sa ilang nabanggit na mga manuskrito at hindi dahil sa ito'y sumasang-ayon sa aming paniniwala. Bukas kami sa mga pagsusuri upang ipaliwanag ang aming paraan ng pagsasalin.
Hanggang ngayon marami pa rin ang nagtatanong na kung bakit kami daw ay nangingilak ng salapi, kakausapin muna tapos iaalok ang mga literatura at pagkatapos ay manghihingi ng pera.
Sa pahina 2 ng Ang Bantayan na lagi naming ipinababasa sa may-bahay (sapagkat itinatanong agad nila kung may bayad ba) ito'y kababasahan: Ang paglalathala ng Ang Bantayan ay bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon.
Una ito ay kusang-loob. Kung hindi magbibigay ng donasyon ang may-bahay ay hindi namin ipinagpipilitan ito. Ngunit kung siya ay interesado ngunit walang ibibigay na donasyon, ito ay ibinibigay namin at binabalikan upang lalo pang mapasulong ang kaniyang kaalaman sa Bibliya.
Pangalawa ito ay bahagi ng pambuong-daigdig na gawain. Para sa higit pang kaalaman sa aming mga gawain pakisuyong i-klik lamang ang mga links sa itaas.
Sa mga kababayan naming may-kapansanan sa pandinig at pagsasalita (deaf-mute), marunong man o hindi sa wikang pasenyas at nagnanais matuto sa Bibliya, kami ay nalulugod na tumulong sa inyo. Pakisuyong mag e-mail lamang sa amin at ibigay ang inyong pangalan, lokasyon at telepono (celfone o landline).

1 comment:
Hello po. Maraming salamat po dito. Ito po ay gagamitin ko sa aking school works para ipakilala kung sino tayong mga saksi ni Jehova.
- Renalyn Pagayunan from Cityhomes Congregation
Post a Comment